149 Pesos EB Pro PLAY PALLETE Review
Kapansin pansin na me mga naglalabasang bagong product si Eber Bilena. Naglabas sila ng mga bagong eyeshadow pallete at blush on. Pero ang kumuha ng pansin ko ay itong 16 color palette na ito. Bakit nga ba hindi eh 149 Pesos lang tapos ang dami pang kulay. Nag hanap ako sa SM Dept Store nito pati sa watsons Waley! Exclusive lang sya sa Robinsons Malls. Kaya naman pala! Lets Proceed na sa ating Review! Packaging Sa packaging okay naman sya. Naka kahon sya na kita yung mga colors. Transparent yung takip na gawa sa plastic. Ayokong I judge sana agad pero tingin ko madali sya mabasag. Pero kung maingat ka hindi naman siguro masisira agad. Kompleto naman ang details pati expiration date. Eye Shadows So kung titingnan natin sa picture talagang mapapabili ka. Sa personal naman, NOT BAD nadin kasi jusko ang mura lang naman nya. Meron syang 10 matte eyeshadows 3 na light at the rest medyo dark. The rest are shimmery. Powdery sya super. Both matte and shimmery are powder...


