Glutamansi with Baking Soda
Trending and sabon na glutamansi with baking
soda. Malaki ang kamurahan nya kung ikukumpara sa ibang sabon. Kung bibilin mo
sya ng isang balot (5 piraso) nagkaka halaga sya ng 100-120, depende sa
bibilhan mo. Ang claim ng mga seller nito eh syempre nakakaputi nga daw. Alam
naman na natin na ang gluta at kalamansi ay nakakaputi. Me sabi sabi na
magbabalat ka daw. Maaalis ang dead skin mo kaya kikinis ka. So dahil maraming
pinoy ang gustong gustong pumuti, talagang nag trending ito.
![]() |
| Photo is credited to the real owner. No copyright infringement intended. |
Nasubukan kong gumamit nito mga July 2018 ako nag start. Bumili kasi ang mother ko sa friend nya. So Nakita ko lang talaga sya sa CR kaya ginamit ko. Sa baba ko sya ginamit muna kasi mataghiyawat ako dun that time. Hormonal Acne kaya hndi sya basta basta naaalis. Ang dami ko na sinubukan, na try ko yung Bello Acne Pro, Quick Fx pimple eraser, Red tomato glowing set, mumuso snail gel at yung mga product na PR sa akin. Wa epek. So nagkataon lang talaga at naisipan kong gamitin ito. Hindi naman ako umaasa na eepekto kasi mukang hndi presentable ung nabili ng mother ko. Buo buo ung kalamansi at sinama pa talaga ung balat. Hindi pa nahulma ng maayos. Ang nangyari after 3 days ko gumamit eh natuyo ang pimples ko. Akala ko tsamba lang. Hahaha. Pero lahat sya natuyo na. And finally, pimple free na ako after 2 weeks galling na galing na sya. Yun nga lang me mga dark spots. Expected ko na yun kasi ang lalim ba naman ng hugot ng pimples ko eh.
Yung pagkawala ng pimples ko eh siguro dahil sa content nya na baking soda at kalamansi. Siguro kung nilagay ko ng sa mukha ko ang raw na kalamansi at baking soda malamang umepek din yun. Pero syempre dahil tamad ako, bili nalang ako ng sabon.
Isang magandang epekto din nito eh nakaka bawas ng mabahong amoy sa katawan. Lalo na kung pawisin ka. Napansin ko yun sa sarili ko. Pero syempre pag sobrang init talaga babaho ka padin kahit papano. Gumagamit parin ako ng deodorant pero di ko na need ang anti-perspirant kasi kahit nga pinapawis ka hindi ka masyadong mamamaho. Siguro tawas okay na.
Nakaka galing din sya ng mild na kati kati sa
katawan. Me dry eczema ako medyo naiibsan nya ang kati. Pero hindi nya
napapagaling ng husto. Nilalagayan ko padin ng ointment at lotion para hindi
lumala.
![]() |
| BEFORE |
![]() |
| AFTER |
O diba sulit na? yan ang rason kung bakit ito
trending. BTW kung bibili kayo nito eh dun kayo sa trusted seller. Magtanong tanong
din kayo sa kakilala nyo kung okay ba ung pagbibilhan nyo. Wala naman peke nito
kaso iba iba ung gumagawa. Pwede kasi na merong tinipid sa rekado diba?
Me kasamahan ako na pinapahirapan ng pimples as
in sobra buong muka na nya ata meron. Pinsubukan ko sa kanya ito. Pag me magandang
resulta sa kanya, update ko kayo
Salamat po sa pagbabasa ng blog ko. Kung gusto
po ninyo ng mas detalyadong kwento, nasa ibaba po ang aking VLOG about sa product
na ito. Salamat po!



Comments
Post a Comment